Home » Archives » 01. October 2008

LaroNg Buhay Ko Panalo!

Wednesday, October 1st, 2008

Mula pagkabata likas ang aking pagiging adventoroso, lahat ng mga bagay na nais kong subukan ay sinubukan ko mahirap man ito o madali. Sa pagiging bata ko noon ay naranasan ko ang mabigo at syempre karamihan ay ang magtagumpay. Marami akong mga bagay na natutunan na talaga namang kapaki-paki nabang. Magaling akong sumubok ngunit madali akong matalo ng kabiguan.

Mula elementary hanggang high-school lagi akong nasa honor roll may awards at maraming papuri mula sa mga guro, kaklase at mga taong nakikilala kami. Makulit akong tao oo! May mga bagay na pinipilit kong mangyari kahit alam kong itoy imposible at napakahirap, may mga bagay din akong madalas itanong na para sa kanila ay napakahirap ng kasagutan, marahil dahil hindi pa napapanahon para sabihin sakin. Marami akong naging mga kaibigan,katropa at kajaming sa maraming bagay.kaya nga lagi akong nakangiti at may naishishare sa ibang tao.

Isa sa pinaka challenging sa buhay ko ang lumaban.sa buhay,sa laro,sa pulitika at sa pagharap sa problema.sa elementary nakadalawang school akong pinasukan,sa highschool naka tatlong school akong pinasukan at sa kolehiyo dalawa. Sa lahat ng school na yun mayroon akong katropa naging opisyal sa paaralan at nakasama sa topnotchers sa klase. Ang matindi kong tanong sa buhay “bakit lagi akong talo?”

Mula sa mga laro ko nung kabataan ko hanggang sa paglaban ko sa buhay at pakikipagsapalaran lagi akong nakakaranas ng pagkatalo. Maraming nagsasabi na wag kong pipilitin ang mga bagay na hindi nababagay sa akin lalo na kung ito ay magbubunga lamang ng pagkabigo at pagbabago ng aking pananaw sa laban.

Isa sa pagkatalong itinuturing kong kahiyahiya ay ang pagkatalo ko sa pagiging Sk chairman at Governor ng aming paaralan sa sekondarya. Sabi ko sa sarili ko “nakakahiya!”. Pero napagisip-isip ko na ano nga bang saysay ng isang laban kung walang mananalo at walang natatalo (nagkataon nga lang na ako ang natalo)? narealized ko rin na mas nanalo ang natatalo sa labang iyon dahil natututo syang tumanggap ng pagkabigo sa mga bagay na hindi para sa kanya. Sabi nga ni spiderman “Great powers comes great responsibility!”sabi ko buti na lang hindi ako ang nagkaroon ng responsibilidad,pero nalaman ko sa huli na mali ako, lahat pala tayo ay may kinalaman dito “We have to be responsible!” at ito ang pinakamahalagang papel na dapat gampanan ng bawat isa lalong lalo na ang talunan. Ang kooperasyon!

Nagkaroon ng challenge sakin minsan ng akoy grumaduate sa highschool, nagkaroon ako ng plano na maging responsable sa buhay.hinarap ko ang isang pakikipagsapalaran na gamit aking abilidad at siguro ang talino sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa trabaho.nag-apply ako sa jollibee. Nung una pinangunahan ako ng takot, kaba at mga tanong sa isipan “kaya ko ba?”.at dun ko natutunan na kung ikaw ay may hangaring masubukan at mapatunayan ang iyong kakayahan kailangan mo itong gawin na may tiwala sa sarili! sinubukan ko syempre dala ang pagasa na makakapasok ako sa jollibee.maraming nagapply na umabot sa isanlibo,nabahala ako at nagworry na baka hindi ako makapasa lalo pat sampo lang ang kailangan.dumating ang araw ng initial interview tinanong ako ng mga simpleng tanong base sa sarili ko at hindi ako na nahirapan dun dahil naging totoo ako.sa pagkakataong yun di ako nagyabang at pinilit kong sabihin ang totoo base sa kanilang nakikita.pumasa ako at isandaan lang ang natira.sumapit nanaman ang final interview ng mawalan ako ng tiwala sa sarili ko dahil napagalaman kong hindi ako angkop sa ganoong trabaho dahilan sa underheight ako, wala pa akong dalawang taon sa kolehiyo etc..etc.sa kalagayan kong yun nawalan na ako ng pagasa syempre i felt like im looser nanaman. Pumunta pa rin ako sa final interview at kahit papano umaasa pa rin akong matatanggap ako.sa final interview,ininterview ako ng isang psychologist kung kayat naging maingat ako sa mga sagot ko kahit na wala na akong pagasa sa sarili ko ng mga oras na yun.tinanong ako ng mga bagay tungkol sa buhay ko.nagsabi ako ng totoo at wala akong itinago sa mga tanong nya.ikwenento ko sa kanya mga nangyari sa buhay ko kahit wala sa tanong.ibinaba ko ang sarili ko at pinaalam ko sa kanya na ako ay first timer sa trabahong iyon,na ako ay tumutulong sa nanay ko ng pagtinda ng isda sa madaling araw.marami pa kaming napag-usapan ni sir Ramir Uy, naging isang seryosong usapan yun at hindi naging interview sa palagay ko dahil halos ako lang ang nagsalita at nagkwento.natapos kami ng may ngiti sa mukha na mamasdan na tipong kumbinsido sya.umuwi ako sa bahay ng nanlulumo dahilan sa inisip ko na mali ang mga pinagsasabi ko bagaman may parte sa isip ko na nagsasabing naging tapat lang ako.sa mga pagkakataong iyon hindi ko na inaasahan na makakapasok ako sa jollibee dahil halos wala ako sa mga qualification na hinahanap nila.

kinabukasan, dumaan ako sa jollibee store ngunit di ko tiningnan ang resulta ng final interview sa pagaakalang hindi ko napasahan ang naturang interview.lumipas ang apat na araw isang magandang balita ang di ko inaasahan at di ko mapaniwalaan,maraming bumabati sa akin ng katagang “congrats”,sabi ko ” for what?”.nang umuwi ako sa bahay namin tuwang tuwa ang mga magulang ko at mga kapatid ko dahilan sa ibinalita ng kuya ko na nakapasa daw ako sa jollibee at naging major choice pa ako ng may-ari na naginterview sakin.sabi ko at naisigaw ko “YES I MADE IT!” sabi ko sa sarili ko “sa wakas nanalo din ako!”

kinagabihan, halos hindi ako makatulog sa matinding exitement na nararamdaman ko.marami akong inisip na negatibo at puro pawang bahala na ang tumatakbo sa isip ko lalo na kapag tinatanong ko sa sarili ko kung “kaya ko kaya?”lumipas ang maraming araw nagumpisa akong pumasok sa jollibee,marami akong di inaasahang magaganap at mararanasan ko sa trabahong pinasok ko.aaminin ko unang araw palang marami na akong natutunan sa tulong ni kuya ronald,ang nag train sakin.alm nyo bang labis akong humanga sa mga jollibee people?sa jollibee hindi kalinisan ang pinakaimportante na tulad ng inaasahan ng marami.ang pinakaimportante pala rito ay ang pakikisama mo sa mga kasamahan ng walang halong ibang masamang motibo.oo minsan napapagalitan ako pero alam kong yun ay nararapat lamang para malaman mo ang mga pagkakamali mo.sabi ko sa sarili ko “ito lang pala ang paraan para matuto ako,ang mapagalitan!”

lumipas ang ilang linggo natuto ako nang higit pa sa inaasahan nila.nagpursige ako para maipakita ko sa kanila na karapatdapat ako.sa wakas sa pagkakataong iyon nanalo akong muli naging crew of the month akong nang ilang buwan at naging bee happy awarded din ako dahilan sa lagi daw akong masaya at nakatawa.mga ilang buwan pa ang nakalipas ay nagresign ako dahilan sa naramdaman ko ang aking naging pilay sa paa na kung saan ito ang kinahinatnan ko ngayon ang pagkatalo at hinaharap ang isang parusang nararapat lang sakin.hindi sa jollibe ko nakuha ang pagkapilay kundi sa mga kalokohan ko. (alamin nyo na lang sa ibang entry ko dito sa Blog.)

After 1 year……

Sa ngayon natapos ko nang pagdaanan ang mga sakripisyo bilang isang pilay, panahon nanaman upang mapasaakin ang kaginhawahan, sabi nga nila pakatapos ng hirap ay may kasunod na kaginhawahan. Dumating ang mga oportunidad na hindi ko inaasahan. Naging credit card consultant ako ng isang ahensya ng credit card accredited by Citibank. Dumating din ang oportunidad na kung saan kailangan kong mamili ng walang talunan between Canada or South Korea. Pinili ko ang South Korea ang employer. Naging General manager ako ng isang Korean School at doon ibinuhos ko ang lahat ng magagawa ko upang mapatunayan ko sa sarili ko na kaya ko, Panalo di ba? Pakaraan ng anim na buwan, dumating naman ang oras na kailangan ko ng marealize ang mga bagay-bagay kung kaya’t nagdesisyon din akong magresign….

Sa ngayon nag-aaral ako sa University of Baguio sa Kursong Bachelor of Science in Business Administration major In Business Management. Ewan ko nga lang kung kaya kong matapos depende sa pang financial na aspeto. Sa patuloy na pagsusulat ko sa Blog marami na rin akong natatanggap na karangalan tulad ng pagnominado sakin sa isang prestiheyosong “Philipine Blog awards” bilang “Best Blog-Personal” at “Bloggers Choice Awards”. Nanalo na rin ako minsan sa “Blog Of Day Awards” at pumangalawa sa “Blog Of The Week Awards-Week 137″ at marami pang iba. Syanga pala nakatanggap din ako ng award mula sa GlobAl Peace Federation as ” Youth Ambassador For Peace” last November… Hehe Panalo di ba?

Sa kabuuan, ang katotohanan, nalaman ko na tayo rin ang nagmamaneho sa buhay natin depende nalang kung saan natin nais pumatungo, sa kaliwa o sa kanan, may bako-bako, may kurbada at syempre may mga oras na kailangan mong magpreno para tumigil sa patutunguhan mo na alam mong mali. Pero syempre kailangan nating magpatuloy, kailangan nating umahon patungo sa taas upang tingalain at hangaan pero syampre kailangan wag kataasan dahil mas masakit ng lumagapak galing sa taas patungo sa kasawian. Magpasalamat tayo sa Poong Maykapal sa mga bagay na nararanasan natin at Matuto tayong lumingon sa pinanggalingan at siguraduhin nating tayo makakapunta sa paroroonan. Yan ang laro ng buhay ko! PANALO!

AFP.jpg picture by nickjhaey

                          http://www.youthfederation.org/  

Posted by jaysondelemon at 10:28 pm | permalink | Add comment

About Me

 

Photobucket

  • Name: Jayson de Lemon
  • Date of Birth: July 24, 1984
  • Location: #35 Zamora St Baguio City
  • Hometown: Daet, Camarines Norte

My Blog List

 Photobucket
 Photobucket
 Photobucket
 Photobucket
 Photobucket
 Photobucket
 Photobucket
 Photobucket
 Photobucket
 Photobucket
 Photobucket
 Photobucket

Latest

     

October 2008
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Recognitions

Jayson Pots

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape


 

...

  



View Jayson de Lemon's profile on LinkedIn


Top Philippine Websites

 

Personal - Top Blogs Philippines


Image hosted by TinyPic.com

I wanna dance with somebody...with somebody who loves me

...

 

Sponsored Links

Recent Photo

MeeboMe

...

Subscribe

Technorati
Bloglines

Message Board

spiky:

keep on blogging padi! :)

Lloyd:

To customize the header, upload a pic in the photo section (on the top navigation bar). The size of the photo depends on the blogtheme you used. For my site for example its about 790×250pixels. You can add text and effects using photoshop or other programs. Visit my site (i have photoshop keygen). http://topmusic.i.ph

abetnt:

-paano mo nilagyan ng backg. pic ung header mo?

abetnt:

hey!
visit ka naman sa
BLOG ko!
(actually di sya matatawag na BLOG, kasi Lyr&Vids lang ang nakalagay)

hahaha :X

Btw, mo nilagyan ng pic ung header mo?
Reply ka lang sa *Msg Board ko!

jaysondelemon:

Hi Cez! Thank you for dropping by. Goodluck to ur Blogging Carrer!

cez:

hi…im a new member of this blog. i was inspired by ur words from ur greetings. thankz a lot.
God bless to you!

cez:

hi

jaysondelemon:

Thank you very much! U ayan mga friends vote nyo site ko ha!

talksmart:

Hi. This blog is now nominated for the Filipino Blog of the Week award (week 148). You may visit the site and vote. Good luck. :-)

Jenny:

Diba sa University of Baguio Ka nag-aral? Kasi nakikita kita run ng madalas eh. Cute mo pala sa personal… Hehe lumaki tenga mo noh?

Blue Boys Jams:

Pare ganda ng site mo! Nominate kita uli sa Philippine Blog Awards!

Jonathan:

Pogi tanong ko lang, saan ba sa northern luzon yang article mo sa Grave Abused Of authority? Dito kasi sa Baguio Marami nyan e…. Baka kilala ko.

Armie Love:

Wow ganda naman ng site mo…. Di ba may site ka pa sa blogdrive?

jaysondelemon:

Good Day to all of my visitors!

Leave a message ▼

...

...

Photobucket

Hit Counter

hit counters

    

Vote For Me!