Home » Post Item » Philippine 2010 Election - Pagboto, Karapatan at Obligasyon!

Philippine 2010 Election - Pagboto, Karapatan at Obligasyon!

Monday, May 11th, 2009
” Sa darating pong eleksyon huwag nyo pong kalilimutang iboto…………!”                                                                                                        

” Nangangako po akong………..!”

” Ang inyo pong lingkod ay………!”

” Vote straight……….!

Yan po ang mga katagang malapit na nating marinig sa darating na eleksyon at marami po sa ating mga Filipino ang siguradong magpapalitan ng ating mga koro-koro hinggil dito, ang iba may negatibong reaksyon at ang iba naman ay positibo ngunit mas marami pa ring nag-hahangad ng salitang PAG-BABAGO. Sa mga taong nag-hahangad ng salitang pag-babago ay masasabi kong kulang ang kahit na milyong-milyong salita lamang kung wala ang salitang kooperasyon. Bilang mga Filipino kailangan ang bawat isa sa ating mga Botante ang patisipasyon sa pamamagitan ng PAG-BOTO. Dito ay maipapakita natin na tayo ay hindi manhid at lalong hindi inutil sapagkat naipapahayag natin ang tinatawag na Demokrasya sa pamamagitan ng malayang pag-boto.

Ngayon, ano nga ba ang nararapat na ikonekta natin sa salitang PAG-BOTO? Karapatan o Obligasyon? Karamihan sa ating mga Filipino ay puro sariling kapakanan lang ang iniisip, lagi nating ipinagsasandalang tayo ay kesyo mahirap lamang, hindi nakatapos, wala tayong pakialam dahil hindi naman tayo pulitiko, gusto natin walang gulo, etc.. na kung saan ay masasabi kong mali! Sapagkat bawat isa sa atin hanggat tayo at ang ating mga pamilya ay nakikinabang at nakaapak sa lupa ng ating bansa ay may kinalaman sa bawat pag-ikot at pag-babago nito. Kung kayat tayo ang responsable sa ano mang pag-babago nito sa pag-unlad man o sa pag-lubog. Hindi po reklamo ang kailangang maging kuntribusyon natin sa ating mga kina-uukulan bagkos kooperasyon. at isa po ang kooperasyon sa PAG-BOTO! Opo ang PAG-BOTO ay isang obligasyon ng bawat isa sa atin.

Naalala ko nung mga panahon na nag-aaral ako sa isang unibersidad, may isang guro na nagtanong sa akin hinggil sa sagot ko na may kinalaman sa pulitika. Tinanaong nya ako, ” Ano bang mapapala namin kung gagawin namin yang sinasabi mo? ” Sa harap ng mga kaklase ko hindi ko sinasadyang sagutin ang titser ko na ” Sir, kung lahat ng tao ay mag-iisip katulad ng iniisip mo e talagang walang mangyayari sa hinahangad nating pagbabago. ”

Tandaan po natin na ang pagbabago ay laging nag-uumpisa sa sarili. Kung alang-alang sa kapakanan ng nakararami at ng kinabukasan ng buong bayan bakit pa kailangan mag-dalawang isip? Isipin po natin na sa ating mga BOTO nakasalalay ang kapakanan natin, ng ating mga pamilya at ng mga susunod pang henerasyon. Huwag po nating sayangin at abusuhin ang karapatang ibinigay satin ng Diyos na magkaroon ng awtonomiya o pag-kakaroon ng sariling Gobyerno, matuto po tayong mamahala, makikoopera at simulan sa ating mga sarili ang tinatawag natin o ninanais na salitang “PAG-BABAGO”!

Noong nakaraang eleksyon ay masasabi ko pong nakita ko at napansin ang Kooperasyon nating mga Filipino. Maraming nag-boto ultimong yung isang taong di magamit ang kamay at paa ay nagawang mag-boto sa pamamagitan ng bibig, at ang mga naka-wheelchair ay naka-pagboto rin. Ito po ay nag-papakita lamang na karamihan sa atin ay tumutupad sa ating responsibilidad bilang responsableng mamamayan. 

Sa kabuuan, ang PAG-BOTO ay Obligasyon at Karapatan na dapat nating isa-isip, isa-puso at isa-buhay bilang partisipasyon sa ating pamayanan. Ang pag-boto ay masasabi kong pag-sunod sa desisyon ng Diyos na tayo ay nararapat lamang na magkaroon ng tinatawag na GOBYERNO.

Mga kababayan, mga kapwa ko botante, lumabas po tayong lahat sa araw ng botohan at matalinong pumili ng kandidato na sa tingin natin ay karapat-dapat sa pwesto. Sa mga bumoboto, sa mga nakilahok sa eleksyon, at sa mga taong nakikisimpatsya sa halalan, Proud po ako sa inyo! Sa mga deserving at walang halong pandaraya na mahahalal Goodluck and God Bless! Asahan nyo po ang aking Kooperasyon!

Posted by jaysondelemon at 7:29 pm | permalink

Previous Comments

sana po maging maayos ang botohan .. un lang]

Posted by rochelle at January 21, 2010, 7:06 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








About Me

 

Photobucket

  • Name: Jayson de Lemon
  • Date of Birth: July 24, 1984
  • Location: #35 Zamora St Baguio City
  • Hometown: Daet, Camarines Norte

My Blog List

 Photobucket
 Photobucket
 Photobucket
 Photobucket
 Photobucket
 Photobucket
 Photobucket
 Photobucket
 Photobucket
 Photobucket
 Photobucket
 Photobucket

Latest

     

May 2009
M T W T F S S
« Apr   Aug »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Recognitions

Jayson Pots

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape


 

...

  



View Jayson de Lemon's profile on LinkedIn


Top Philippine Websites

 

Personal - Top Blogs Philippines


Image hosted by TinyPic.com

I wanna dance with somebody...with somebody who loves me

...

 

Recent Photo

MeeboMe

...

Subscribe

Technorati
Bloglines

Message Board

spiky:

keep on blogging padi! :)

Lloyd:

To customize the header, upload a pic in the photo section (on the top navigation bar). The size of the photo depends on the blogtheme you used. For my site for example its about 790×250pixels. You can add text and effects using photoshop or other programs. Visit my site (i have photoshop keygen). http://topmusic.i.ph

abetnt:

-paano mo nilagyan ng backg. pic ung header mo?

abetnt:

hey!
visit ka naman sa
BLOG ko!
(actually di sya matatawag na BLOG, kasi Lyr&Vids lang ang nakalagay)

hahaha :X

Btw, mo nilagyan ng pic ung header mo?
Reply ka lang sa *Msg Board ko!

jaysondelemon:

Hi Cez! Thank you for dropping by. Goodluck to ur Blogging Carrer!

cez:

hi…im a new member of this blog. i was inspired by ur words from ur greetings. thankz a lot.
God bless to you!

cez:

hi

jaysondelemon:

Thank you very much! U ayan mga friends vote nyo site ko ha!

talksmart:

Hi. This blog is now nominated for the Filipino Blog of the Week award (week 148). You may visit the site and vote. Good luck. :-)

Jenny:

Diba sa University of Baguio Ka nag-aral? Kasi nakikita kita run ng madalas eh. Cute mo pala sa personal… Hehe lumaki tenga mo noh?

Blue Boys Jams:

Pare ganda ng site mo! Nominate kita uli sa Philippine Blog Awards!

Jonathan:

Pogi tanong ko lang, saan ba sa northern luzon yang article mo sa Grave Abused Of authority? Dito kasi sa Baguio Marami nyan e…. Baka kilala ko.

Armie Love:

Wow ganda naman ng site mo…. Di ba may site ka pa sa blogdrive?

jaysondelemon:

Good Day to all of my visitors!

Leave a message ▼

...

...

Photobucket

Hit Counter

hit counters

    

Vote For Me!