Ang Buhay Daw Ay Isang Laro
Wednesday, June 2nd, 2010
ANG BUHAY DAW AY ISANG LARO…
Sinasabi nga na ang buhay daw ay isang laro isang laro na may, saya, lungkot at punong-puno ng surpresa na tunay ngang pakakaabangan. Kabilang na nga rito ang tinatawag na gulong ng palad na kung minsan ay nasa ibabaw at kung misan ay nasa ilalim. Punong-puno ng hamon at kasiyahan kapiling n gating mga kalaro sa buhay. Walang iba kundi ang ating kapwa, pamilya at mga kaibigan.
Sa aking pananaw ito ay may katotohanan na dapat nating i-”enjoy” at ipag-sapalaran. Naniniwala ako na sa larong ito ay may mga lihim na dapat nating isaliksik at isabuhay. Isa na rito ay kasama sa aking mga prinsipyo na ang lahat ng bagay ay may katapat mabuti amn ito o masama at lahat ng ito ay may “interest” na tinatawag sampu o isangdaang porsyento depende sa ginawa mo. “Consequences” at “rewards” ika nga.
Maaring di mo matatanggap sa ngayon ang iyong “rewards at consequences” e asahan mong ito ay makukuha mo sa takdang panahon. Sa isang laro ay merong tinatawag na dayaan at totoong ang buhay ay madaya. Ngunit sino nga ba ang tunay na mandaraya sa isang laro hindi ba’t ang manlalaro? Ang buhay ay nagiging madaya kung tayo mismo ang gagawa nito.
Sinasabi nga sa Bibliya na “mag-hanap ka at ikaw ay makatagpo”, “kumatok ka at ikaw ay pag-bubuksan”, “humingi ka at ikaw ay pag-bibigyan”. Isa sa mga matatalinhagang nasusulat na kailangan nating ilaro o isabuhay upang mahanap natin ang tunay na kasagutan.
May mga nag-sasabi rin at naniniwalang lahat tayo bago pa man lang ipanganak ay may nakatakda nang papel sa mundo. May katotohanan man ito o wala ay kailangan pa rin natin mapagdaanan ang mga hamon sa buhay upang makarating tayo sa tinatawag na “nakatakda”. Dahilan dito, mas naniwala ako sa kasabihan na “walang permanente dito sa mundo kundi ang pagbabago”.
Upang maintindihan natin ang tinatawag na laro ay kailangan nating ituring sa sarili natin na tayo ang “bida” rito. Kailangang ipadama natin sa ating mga sarili ang pagiging importante natin ditto sa mundo. At dahil dyan nasisiguro ko na hindi ka mawawalan ng uportunidad lalo na kung ito’y iyong hahanapin at iipunin para sa mga susunod na mga araw. Ang pagiging maaliwalas na kaanyuan ay humihila ng mga positibong bagay at ganun din ang sa kawalan ng gana sa buhay ay humihila naman ng negatibo.
“Extreme feeling or Emotion”, Kaya nga ayaw ko ng mga “sumpa” dahil napakalaki ng posibilidad na ito’y magkatotoo. Sobrang lungkot, sobrang saya, sobrang galit at kung ano-ano pang mga sobra pagdating sa emosyon. Ito ang mga pagkakataon na dapat nating sambitin ang mga kahilingan.
“Generation repeats generation”, ano nga bang kahulugan nito? Di nyo ba napapansin kung gaano ka bagsik ang pagkakataon? Nagyari sa nanay mo nagyayari sayo osa apo mo. Kasalanan ng tatay mo ikaw ang nagbabayad sa parehong Gawain. Syempre hindi ito kasalanan ng pagkakataon. Sabi nga lahat nang nangyayari sa buhay mo ay “choice” mo. Araw-araw ay maraming bagay ang nangyayari sa atin na di dapat natin palampasin na matutunan, maaring sa sarili mo o sa iba. Kailangan nating matutunan ang dahilan at epekto ng bawat pangyayari ng sa ganun ay mapaghandaan natin ang mga bagay na maaring mangyari satin na kapareho din nito.
Maraming nagtatanong, Bakit may mayayaman? Bakait may mahihirap? Bakit may masasama? Bakit may api? Etc… Ang masasabi ko dyan ay ito ang nagpapabalanse sa mundo. Hindi pwedeng lahat mabait, lahat masama, lahat mayaman, lahat mahirap at etc… Depende nalang sa inyo kung anong gusto nyo maging papel depende sa choice nyo.
“Contentment?” Walang buhay na salitang “contentment”, “Fulfillment” meron. Ang buhay ay walang katapusang kaligayahan, walang katapusang pag-aaral at walang katapusang kahilingan habang nabubuhay.
Hay buhay…
Sa kabuuan, Lahat ng bagay na nangyayari satin ay nakadepende sa mga choices natin na pinagtatagpi-tagpi lamang ng pagkakataon upang ito ay mangyari. Lahat ng bagay na gingawa natin sa mundo ay may katatapat. Maari tayong maging bida, o kontra-bida. Maari din tayong maging kasangkapan o maaari din tayong maging dahilan ng mga bagay na nangyayari sa iba.
Sa aking prinsipyo na gusto kong i-share sa inyo, ang pinakaimportate at pinakamakapangyarihan sa lahat ay salitang “dasal” kasama ng pananalig at nakapaloob dito ang pasasalamat, pagpuri, paghingi at higit sa lahat ang paghingi ng tawad. Isabuhay natin ang tatlong pinakaimportante sa lahat: ang pagmamahal sa kapwa, sa sarili at higit sa lahat sa Diyos.

Life’s Journey
Saturday, October 11th, 2008“The longest journey is the journey inwards. Of him who has chosen his destiny, Who has started upon his quest for the source of his being.”
Madalas iniisip ko at sinasabi ko sa sarili ko, San ba talaga patungo ang buhay natin? Mula kasi pagkabata e dalawang uri lang ng klase ng buhay ang nararanasan natin, ang mamuhay sa ibabaw paminsan-minsan at mamuhay sa ilalim, gulong ng palad kumbaga. Isa rin sa mga pagkakataon na kapag nabigyan tayo ng oportunidad e parang di na natin napapansin ang mga paghihirap na napagdaanan natin malasap lang natin ang panandaliang kaligayahan. May swerte tayo na tinatawag at hindi natin maikakaila na lahat tayo ay nagnanasa na makamtan ito, swerte na inaasahan natin makapagbabago ng takbo ng ating buhay…….
Kung iisipin, Ang buhay natin ay parang isang paglalakbay, Dumadaan tayo sa napakaraming lugar na kung saan bawat isa sa mga pook na ito ay nagsisilbing alaala na tumutulong satin bilang kaakibat sating pamumuhay at ito ay tinatawag nating karanasan, May mga pagkakamali at may mga tagumpay, may masasalimoot at may kasiyahan. Ngunit ano nga ba ang kinalaman nito sa ating buhay? Hindi ba’t lahat naman tayo ay nag-umpisa bilang isang mang-mang, mahina at walang muwang?…..
May mga katanungan tayo na kahit simpleng sagutin ay mahirap natin itong maipaliwanag, madalas, kung di man natin ito masagot e naghahanap tayo ng rason upang isisi sa iba na kung tutuusin tayo ang responsable para sa bagay na hindi na tin masagot sa kadahilanang hindi natin ito matanggap.
Ang katotohanan po base sa aking mga naging karanasan, mapalad po yung mga taong maagang nakaranas ng paghihirap sa buhay dahil maaga rin nilang natutunan kung paano harapin ang ganitong mga pagkakataon. Mapalad din po ang mga taong maaga pang napapahiya upang maaga rin nilang maunawaan kung papano ang mapahiya at kung gaano ito kahirap sa damdamin. Mapalad din po ang mga taong nakakasaksi sa pagkakamali ng iba at nagiging mapanuri dahil sila ang higit na dapat matututo.
Marahil po e nagtatanong kayo kung bakit ko inilalahad ang mga bagay na ito….. Sa kalagitnaan po ng aking paglalakbay sa buhay ay napansin ko po mula sa aking sarili at sa mga taong nakapaligid sa atin kung gaano kahirap matuto mula sa mga karanasan. Bakit? Para po sa akin na nais kung ishare sa inyo ay sa kadahilanang sa dami po ng ating mga iniisip ay nakakalimutan na po nating iorganisa ang ating mga buhay ayon sa mga bagay na nararanasan natin mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan.
Sabi nga nila looking glass, madalas madmi tayong reklamo sa buhay na kung tutuusin mas maswerte pa tayo kesa sa iba. May mga bagay na masyado nating kinaawaan ang sarili natin dahil sa sinapit ng ating buhay ngunit kung susubukan nating pagmasdan ang mga bata sa lansangan na kailangang mamalimos para lang mabuhay, mga bata sa basurahan nakahit delikado sa kalusugan ay magahahalukay para lang may makain. Marahil yung iba sa inyo ay nag-iisip na “iba sila, iba kami.” Totoo nga talaga na ang tao sa mundo ay walang kakuntentuhan ngunit kung susubukan nating maging maging masaya sa kung anong meron tayo siguro iisipin naman natin na walang kasiyahan dahil sabi nga walang pinakapermanente dito sa mundo kundi ang pagbabago.
Ayon sa napagaralan ko sa aming Sociology subject, Ang isang tao raw ay maiclaclasify natin sa tatlong dimension.Ang Tingin ng tao sa iyo, ang tingin mo sa sarili mo at kung sino ang totoong ikaw. Kadalasan, pinupuna natin ang kapwa natin sa pisikal lamang na kaanyuan. Meron din namang mga taong kung tumingin ay napakatransparent, hindi lamang sa pisikal na kaanyuan kundi pati na rin sa kung ano pang bagay meron ang taong kanyang pinagmamasdan. Pero madalas nakakaligtaan natin ang tingnan ang ating sarili bago tayo magbigay ng puna sa iba na kung saan hindi tayo nagiging patas sa sarili natin.Kahit na ba sabihin na totoo lang ang sinasabi mo e kailangan pa rin nating isaalang-alang ang ano ang maaring maramdaman at kung anong maaring bumalik sayo. Ang pagiging prangka ay malaki ang naitutulong sa taong pinagsasabihan dahil sa tindi ng sakit ng salitang ito naiintindihan natin ang salitang “dapat baguhin” ngunit sa kabila nito malaki rin ang perwisyo dahil may mga taong nahihirapang tanggapin ang mga bagay na may patungkol sa katotohanan lalo pa’t ang nagsabi nito ay hindi karapat-dapat at walang dapat ipagmalaki, sa makatuwid walang karapatan, at ito ay maaring mapunta sa hindi magandang pagkakaunawaan o mas malala pa.
Noong matanggap ako as one of the Peer Facilitators ng aming paaralan marami akong mga karagdagang natutunan hinggil sa pagbigay ng payo. Natutunan ko na ang pagbibigay ng payo ay hindi sa pamamagitan ng rekomendasyon o ng ano pa mang suhestiyon batay sa problema ng pinagpapayuhan. Kailangan nating hayaan na sya mismo ang makapagresolba ng kanyang problema sa pamamagitan ng tulong na ipamulat sa kanya ang mga solusyon na saya lang ang may kakayahang gumawa at magpasya. Hindi kailangang tayong mga nagpapayo ang magresolba ng kanyang problema. Sa kabila nito, may mga taong hindi namn talaga gaanong problemado bagkus sila ay naghahanap lamang ng taong makakausap upang sa kahit ganung paraan ay gumaan ang kanyang dinadala.
Ang Isang pagkabigo ay isang aspeto o dahilan ng paghihigante ayon sa mga pangyayari. It’s not the end of the world ika nga…Hindi lahat ng bagay na nawala sa atin ay maari na ring mawala sa atin habang buhay. May mga pagkakataong madalas nating palakihin ang mga bagay na kung tutuusin ay nangyari lamang sa napakaikling panahon na kung saan e wala pa sa ni katiting na porsyento ng buong buhay natin. Madalas nating ma-misinterpret ang mga bagay na tulad nito dahilan sa bugso ng ating damdamin na kung saan ay dapat nating matutunan kung papaano ito makontrol batay sa kung anong mas nakakabuti…at dyan pumapasok ang pangungusap na “Ang isang pagkakamali ay hindi na dapat sulosyunan pa ng isa pang pagkakamali.” Samantalang meron din namang mga salitang ” Let it be”, ” If you love somebody, set him free.”, “Ipagpasa Diyos na lang natin.” at marami pang iba. Ganunpaman nasasaatin pa ring desisyon kung ano ang gusto nating maramdaman na kadalasan e nakakalimutan natin ang salitang “dapat maramdaman”.
Sa kabuuan, ang mga nasabi ko sa artikulong ito ay buhat lamang sa mga experiensyang nangyayari sa ara-araw na pamumuhay ng tao. At kung malalaman lamang ng bawat isa ang tinatatawag na moral sa kahit anong aspeto ay hindi malayong magkakaroon tayo ng kontrol sa bawat kilos at sinasabi ng ating konsensya. Marami pang ibang aral ang matutunan natin habang tinatahak natin ang ating mga buhay. Sa aking rekomendasyon, matuto tayong umusisa, magtanong, manaliksik sa mga bagay sa ating kapaligiran at matuto sa mga pangyayaring nagaganap sa bawat araw sa ating buhay.
……..My Life’s Journey is Now Showing…. into Reality!
LaroNg Buhay Ko Panalo!
Wednesday, October 1st, 2008|
Mula pagkabata likas ang aking pagiging adventoroso, lahat ng mga bagay na nais kong subukan ay sinubukan ko mahirap man ito o madali. Sa pagiging bata ko noon ay naranasan ko ang mabigo at syempre karamihan ay ang magtagumpay. Marami akong mga bagay na natutunan na talaga namang kapaki-paki nabang. Magaling akong sumubok ngunit madali akong matalo ng kabiguan. Mula elementary hanggang high-school lagi akong nasa honor roll may awards at maraming papuri mula sa mga guro, kaklase at mga taong nakikilala kami. Makulit akong tao oo! May mga bagay na pinipilit kong mangyari kahit alam kong itoy imposible at napakahirap, may mga bagay din akong madalas itanong na para sa kanila ay napakahirap ng kasagutan, marahil dahil hindi pa napapanahon para sabihin sakin. Marami akong naging mga kaibigan,katropa at kajaming sa maraming bagay.kaya nga lagi akong nakangiti at may naishishare sa ibang tao. Isa sa pinaka challenging sa buhay ko ang lumaban.sa buhay,sa laro,sa pulitika at sa pagharap sa problema.sa elementary nakadalawang school akong pinasukan,sa highschool naka tatlong school akong pinasukan at sa kolehiyo dalawa. Sa lahat ng school na yun mayroon akong katropa naging opisyal sa paaralan at nakasama sa topnotchers sa klase. Ang matindi kong tanong sa buhay “bakit lagi akong talo?” Mula sa mga laro ko nung kabataan ko hanggang sa paglaban ko sa buhay at pakikipagsapalaran lagi akong nakakaranas ng pagkatalo. Maraming nagsasabi na wag kong pipilitin ang mga bagay na hindi nababagay sa akin lalo na kung ito ay magbubunga lamang ng pagkabigo at pagbabago ng aking pananaw sa laban. Isa sa pagkatalong itinuturing kong kahiyahiya ay ang pagkatalo ko sa pagiging Sk chairman at Governor ng aming paaralan sa sekondarya. Sabi ko sa sarili ko “nakakahiya!”. Pero napagisip-isip ko na ano nga bang saysay ng isang laban kung walang mananalo at walang natatalo (nagkataon nga lang na ako ang natalo)? narealized ko rin na mas nanalo ang natatalo sa labang iyon dahil natututo syang tumanggap ng pagkabigo sa mga bagay na hindi para sa kanya. Sabi nga ni spiderman “Great powers comes great responsibility!”sabi ko buti na lang hindi ako ang nagkaroon ng responsibilidad,pero nalaman ko sa huli na mali ako, lahat pala tayo ay may kinalaman dito “We have to be responsible!” at ito ang pinakamahalagang papel na dapat gampanan ng bawat isa lalong lalo na ang talunan. Ang kooperasyon! Nagkaroon ng challenge sakin minsan ng akoy grumaduate sa highschool, nagkaroon ako ng plano na maging responsable sa buhay.hinarap ko ang isang pakikipagsapalaran na gamit aking abilidad at siguro ang talino sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa trabaho.nag-apply ako sa jollibee. Nung una pinangunahan ako ng takot, kaba at mga tanong sa isipan “kaya ko ba?”.at dun ko natutunan na kung ikaw ay may hangaring masubukan at mapatunayan ang iyong kakayahan kailangan mo itong gawin na may tiwala sa sarili! sinubukan ko syempre dala ang pagasa na makakapasok ako sa jollibee.maraming nagapply na umabot sa isanlibo,nabahala ako at nagworry na baka hindi ako makapasa lalo pat sampo lang ang kailangan.dumating ang araw ng initial interview tinanong ako ng mga simpleng tanong base sa sarili ko at hindi ako na nahirapan dun dahil naging totoo ako.sa pagkakataong yun di ako nagyabang at pinilit kong sabihin ang totoo base sa kanilang nakikita.pumasa ako at isandaan lang ang natira.sumapit nanaman ang final interview ng mawalan ako ng tiwala sa sarili ko dahil napagalaman kong hindi ako angkop sa ganoong trabaho dahilan sa underheight ako, wala pa akong dalawang taon sa kolehiyo etc..etc.sa kalagayan kong yun nawalan na ako ng pagasa syempre i felt like im looser nanaman. Pumunta pa rin ako sa final interview at kahit papano umaasa pa rin akong matatanggap ako.sa final interview,ininterview ako ng isang psychologist kung kayat naging maingat ako sa mga sagot ko kahit na wala na akong pagasa sa sarili ko ng mga oras na yun.tinanong ako ng mga bagay tungkol sa buhay ko.nagsabi ako ng totoo at wala akong itinago sa mga tanong nya.ikwenento ko sa kanya mga nangyari sa buhay ko kahit wala sa tanong.ibinaba ko ang sarili ko at pinaalam ko sa kanya na ako ay first timer sa trabahong iyon,na ako ay tumutulong sa nanay ko ng pagtinda ng isda sa madaling araw.marami pa kaming napag-usapan ni sir Ramir Uy, naging isang seryosong usapan yun at hindi naging interview sa palagay ko dahil halos ako lang ang nagsalita at nagkwento.natapos kami ng may ngiti sa mukha na mamasdan na tipong kumbinsido sya.umuwi ako sa bahay ng nanlulumo dahilan sa inisip ko na mali ang mga pinagsasabi ko bagaman may parte sa isip ko na nagsasabing naging tapat lang ako.sa mga pagkakataong iyon hindi ko na inaasahan na makakapasok ako sa jollibee dahil halos wala ako sa mga qualification na hinahanap nila. kinabukasan, dumaan ako sa jollibee store ngunit di ko tiningnan ang resulta ng final interview sa pagaakalang hindi ko napasahan ang naturang interview.lumipas ang apat na araw isang magandang balita ang di ko inaasahan at di ko mapaniwalaan,maraming bumabati sa akin ng katagang “congrats”,sabi ko ” for what?”.nang umuwi ako sa bahay namin tuwang tuwa ang mga magulang ko at mga kapatid ko dahilan sa ibinalita ng kuya ko na nakapasa daw ako sa jollibee at naging major choice pa ako ng may-ari na naginterview sakin.sabi ko at naisigaw ko “YES I MADE IT!” sabi ko sa sarili ko “sa wakas nanalo din ako!” kinagabihan, halos hindi ako makatulog sa matinding exitement na nararamdaman ko.marami akong inisip na negatibo at puro pawang bahala na ang tumatakbo sa isip ko lalo na kapag tinatanong ko sa sarili ko kung “kaya ko kaya?”lumipas ang maraming araw nagumpisa akong pumasok sa jollibee,marami akong di inaasahang magaganap at mararanasan ko sa trabahong pinasok ko.aaminin ko unang araw palang marami na akong natutunan sa tulong ni kuya ronald,ang nag train sakin.alm nyo bang labis akong humanga sa mga jollibee people?sa jollibee hindi kalinisan ang pinakaimportante na tulad ng inaasahan ng marami.ang pinakaimportante pala rito ay ang pakikisama mo sa mga kasamahan ng walang halong ibang masamang motibo.oo minsan napapagalitan ako pero alam kong yun ay nararapat lamang para malaman mo ang mga pagkakamali mo.sabi ko sa sarili ko “ito lang pala ang paraan para matuto ako,ang mapagalitan!” lumipas ang ilang linggo natuto ako nang higit pa sa inaasahan nila.nagpursige ako para maipakita ko sa kanila na karapatdapat ako.sa wakas sa pagkakataong iyon nanalo akong muli naging crew of the month akong nang ilang buwan at naging bee happy awarded din ako dahilan sa lagi daw akong masaya at nakatawa.mga ilang buwan pa ang nakalipas ay nagresign ako dahilan sa naramdaman ko ang aking naging pilay sa paa na kung saan ito ang kinahinatnan ko ngayon ang pagkatalo at hinaharap ang isang parusang nararapat lang sakin.hindi sa jollibe ko nakuha ang pagkapilay kundi sa mga kalokohan ko. (alamin nyo na lang sa ibang entry ko dito sa Blog.) After 1 year…… Sa ngayon natapos ko nang pagdaanan ang mga sakripisyo bilang isang pilay, panahon nanaman upang mapasaakin ang kaginhawahan, sabi nga nila pakatapos ng hirap ay may kasunod na kaginhawahan. Dumating ang mga oportunidad na hindi ko inaasahan. Naging credit card consultant ako ng isang ahensya ng credit card accredited by Citibank. Dumating din ang oportunidad na kung saan kailangan kong mamili ng walang talunan between Canada or South Korea. Pinili ko ang South Korea ang employer. Naging General manager ako ng isang Korean School at doon ibinuhos ko ang lahat ng magagawa ko upang mapatunayan ko sa sarili ko na kaya ko, Panalo di ba? Pakaraan ng anim na buwan, dumating naman ang oras na kailangan ko ng marealize ang mga bagay-bagay kung kaya’t nagdesisyon din akong magresign…. Sa ngayon nag-aaral ako sa University of Baguio sa Kursong Bachelor of Science in Business Administration major In Business Management. Ewan ko nga lang kung kaya kong matapos depende sa pang financial na aspeto. Sa patuloy na pagsusulat ko sa Blog marami na rin akong natatanggap na karangalan tulad ng pagnominado sakin sa isang prestiheyosong “Philipine Blog awards” bilang “Best Blog-Personal” at “Bloggers Choice Awards”. Nanalo na rin ako minsan sa “Blog Of Day Awards” at pumangalawa sa “Blog Of The Week Awards-Week 137″ at marami pang iba. Syanga pala nakatanggap din ako ng award mula sa GlobAl Peace Federation as ” Youth Ambassador For Peace” last November… Hehe Panalo di ba? Sa kabuuan, ang katotohanan, nalaman ko na tayo rin ang nagmamaneho sa buhay natin depende nalang kung saan natin nais pumatungo, sa kaliwa o sa kanan, may bako-bako, may kurbada at syempre may mga oras na kailangan mong magpreno para tumigil sa patutunguhan mo na alam mong mali. Pero syempre kailangan nating magpatuloy, kailangan nating umahon patungo sa taas upang tingalain at hangaan pero syampre kailangan wag kataasan dahil mas masakit ng lumagapak galing sa taas patungo sa kasawian. Magpasalamat tayo sa Poong Maykapal sa mga bagay na nararanasan natin at Matuto tayong lumingon sa pinanggalingan at siguraduhin nating tayo makakapunta sa paroroonan. Yan ang laro ng buhay ko! PANALO!
|

Life’s Journey
Thursday, October 11th, 2007Madalas iniisip ko at sinasabi ko sa sarili ko, San ba talaga patungo ang buhay natin? Mula kasi pagkabata e dalawang uri lang ng klase ng buhay ang nararanasan natin, ang mamuhay sa ibabaw paminsan-minsan at mamuhay sa ilalim, gulong ng palad kumbaga. Isa rin sa mga pagkakataon na kapag nabigyan tayo ng oportunidad e parang di na natin napapansin ang mga paghihirap na napagdaanan natin malasap lang natin ang panandaliang kaligayahan. May swerte tayo na tinatawag at hindi natin maikakaila na lahat tayo ay nagnanasa na makamtan ito, swerte na inaasahan natin makapagbabago ng takbo ng ating buhay…….
Kung iisipin, Ang buhay natin ay parang isang paglalakbay, Dumadaan tayo sa napakaraming lugar na kung saan bawat isa sa mga pook na ito ay nagsisilbing alaala na tumutulong satin bilang kaakibat sating pamumuhay at ito ay tinatawag nating karanasan, May mga pagkakamali at may mga tagumpay, may masasalimoot at may kasiyahan. Ngunit ano nga ba ang kinalaman nito sa ating buhay? Hindi ba’t lahat naman tayo ay nag-umpisa bilang isang mang-mang, mahina at walang muwang?…..
May mga katanungan tayo na kahit simpleng sagutin ay mahirap natin itong maipaliwanag, madalas, kung di man natin ito masagot e naghahanap tayo ng rason upang isisi sa iba na kung tutuusin tayo ang responsable para sa bagay na hindi na tin masagot sa kadahilanang hindi natin ito matanggap.
Ang katotohanan po base sa aking mga naging karanasan, mapalad po yung mga taong maagang nakaranas ng paghihirap sa buhay dahil maaga rin nilang natutunan kung paano harapin ang ganitong mga pagkakataon. Mapalad din po ang mga taong maaga pang napapahiya upang maaga rin nilang maunawaan kung papano ang mapahiya at kung gaano ito kahirap sa damdamin. Mapalad din po ang mga taong nakakasaksi sa pagkakamali ng iba at nagiging mapanuri dahil sila ang higit na dapat matututo.
Marahil po e nagtatanong kayo kung bakit ko inilalahad ang mga bagay na ito….. Sa kalagitnaan po ng aking paglalakbay sa buhay ay napansin ko po mula sa aking sarili at sa mga taong nakapaligid sa atin kung gaano kahirap matuto mula sa mga karanasan. Bakit? Para po sa akin na nais kung ishare sa inyo ay sa kadahilanang sa dami po ng ating mga iniisip ay nakakalimutan na po nating iorganisa ang ating mga buhay ayon sa mga bagay na nararanasan natin mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan.
Sabi nga nila looking glass, madalas madmi tayong reklamo sa buhay na kung tutuusin mas maswerte pa tayo kesa sa iba. May mga bagay na masyado nating kinaawaan ang sarili natin dahil sa sinapit ng ating buhay ngunit kung susubukan nating pagmasdan ang mga bata sa lansangan na kailangang mamalimos para lang mabuhay, mga bata sa basurahan nakahit delikado sa kalusugan ay magahahalukay para lang may makain. Marahil yung iba sa inyo ay nag-iisip na “iba sila, iba kami.” Totoo nga talaga na ang tao sa mundo ay walang kakuntentuhan ngunit kung susubukan nating maging maging masaya sa kung anong meron tayo siguro iisipin naman natin na walang kasiyahan dahil sabi nga walang pinakapermanente dito sa mundo kundi ang pagbabago.
Ayon sa napagaralan ko sa aming Sociology subject, Ang isang tao raw ay maiclaclasify natin sa tatlong dimension.Ang Tingin ng tao sa iyo, ang tingin mo sa sarili mo at kung sino ang totoong ikaw. Kadalasan, pinupuna natin ang kapwa natin sa pisikal lamang na kaanyuan. Meron din namang mga taong kung tumingin ay napakatransparent, hindi lamang sa pisikal na kaanyuan kundi pati na rin sa kung ano pang bagay meron ang taong kanyang pinagmamasdan. Pero madalas nakakaligtaan natin ang tingnan ang ating sarili bago tayo magbigay ng puna sa iba na kung saan hindi tayo nagiging patas sa sarili natin.Kahit na ba sabihin na totoo lang ang sinasabi mo e kailangan pa rin nating isaalang-alang ang ano ang maaring maramdaman at kung anong maaring bumalik sayo. Ang pagiging prangka ay malaki ang naitutulong sa taong pinagsasabihan dahil sa tindi ng sakit ng salitang ito naiintindihan natin ang salitang “dapat baguhin” ngunit sa kabila nito malaki rin ang perwisyo dahil may mga taong nahihirapang tanggapin ang mga bagay na may patungkol sa katotohanan lalo pa’t ang nagsabi nito ay hindi karapat-dapat at walang dapat ipagmalaki, sa makatuwid walang karapatan, at ito ay maaring mapunta sa hindi magandang pagkakaunawaan o mas malala pa.
Noong matanggap ako as one of the Peer Facilitators ng aming paaralan marami akong mga karagdagang natutunan hinggil sa pagbigay ng payo. Natutunan ko na ang pagbibigay ng payo ay hindi sa pamamagitan ng rekomendasyon o ng ano pa mang suhestiyon batay sa problema ng pinagpapayuhan. Kailangan nating hayaan na sya mismo ang makapagresolba ng kanyang problema sa pamamagitan ng tulong na ipamulat sa kanya ang mga solusyon na saya lang ang may kakayahang gumawa at magpasya. Hindi kailangang tayong mga nagpapayo ang magresolba ng kanyang problema. Sa kabila nito, may mga taong hindi namn talaga gaanong problemado bagkus sila ay naghahanap lamang ng taong makakausap upang sa kahit ganung paraan ay gumaan ang kanyang dinadala.
Ang Isang pagkabigo ay isang aspeto o dahilan ng paghihigante ayon sa mga pangyayari. It’s not the end of the world ika nga…Hindi lahat ng bagay na nawala sa atin ay maari na ring mawala sa atin habang buhay. May mga pagkakataong madalas nating palakihin ang mga bagay na kung tutuusin ay nangyari lamang sa napakaikling panahon na kung saan e wala pa sa ni katiting na porsyento ng buong buhay natin. Madalas nating ma-misinterpret ang mga bagay na tulad nito dahilan sa bugso ng ating damdamin na kung saan ay dapat nating matutunan kung papaano ito makontrol batay sa kung anong mas nakakabuti…at dyan pumapasok ang pangungusap na “Ang isang pagkakamali ay hindi na dapat sulosyunan pa ng isa pang pagkakamali.” Samantalang meron din namang mga salitang ” Let it be”, ” If you love somebody, set him free.”, “Ipagpasa Diyos na lang natin.” at marami pang iba. Ganunpaman nasasaatin pa ring desisyon kung ano ang gusto nating maramdaman na kadalasan e nakakalimutan natin ang salitang “dapat maramdaman”.
Sa kabuuan, ang mga nasabi ko sa artikulong ito ay buhat lamang sa mga experiensyang nangyayari sa ara-araw na pamumuhay ng tao. At kung malalaman lamang ng bawat isa ang tinatatawag na moral sa kahit anong aspeto ay hindi malayong magkakaroon tayo ng kontrol sa bawat kilos at sinasabi ng ating konsensya. Marami pang ibang aral ang matutunan natin habang tinatahak natin ang ating mga buhay. Sa aking rekomendasyon, matuto tayong umusisa, magtanong, manaliksik sa mga bagay sa ating kapaligiran at matuto sa mga pangyayaring nagaganap sa bawat araw sa ating buhay.
……..My Life’s Journey is Now Showing…. Into Reality!
My Christianity Life
Wednesday, April 11th, 2007
“For my house will be called a house of prayer”. Isaiah 56:7
–
We are a family of spirit filled believers
dedicated to making a difference
in our community and world.
We operate with the simple
philosophy that we are here to:
1. Exalt the Savior
2. Evangelize the Sinner
3. Equip the Saint
What we believe is essential to who we are as a church family. The following statement explains the guiding beliefs of our faith. The following articles are not intended to encompass all that we believe. It would be impractical, if not impossible, to place in creed form all biblical precepts and doctrines. However, since we believe it is important that we set forth certain fundamental doctrines which are vital to our unity and purpose, we have briefly outlined them below:
We believe in the verbal inspiration of the Bible, both the Old and New Testaments (II Timothy 3:16; Hebrews 4:12; 1 Peter 1:23-25; II Peter 1:19-21)
We believe in one God revealed in three persons; The Father, the Son and the Holy Spirit (Matthew 3:16-17 & 28:29; John 17).
We believe man, in his natural state, is a sinner, lost, without hope, and without God (Romans 3:19-23; Galatians 3:22; Ephesians 2:1, 2, 12).
We believe in the saving power of the Blood of Jesus and His imputed righteousness (Acts 4:12; Romans 4: 1-9, 5: 1-11: Ephesians 1:3-15).
We believe that Jesus Is God come in the flesh and that He is both divine and human (Luke 1-26-28: John 14; 1-3; Acts 2:36, 3:14, 15; Philippians 2:5-12).
We believe in the bodily resurrection of Jesus Christ (Luke 24:39-43; John 20:24-29).
We believe that Christ Jesus ascended to the father and is presently engaged in building Heaven and interceding for people (John 14: 1-6; Romans 8:34).
We believe in the visible, bodily return of Christ Jesus to this earth to rapture His Church (Bride) and judge the world (Acts 1:10: 1 Thessalonians 4:13-18; II Thessalonians 1:7-10; James 5:8; Revelation 1:7). (It is not necessary that we all believe alike concerning whether He is coming before, during, or after the Great Tribulation.)
We believe that the terms of salvation are repentance toward God for sin and a personal, heartfelt faith in the Lord Jesus Christ, which results in regeneration of the person. This salvation is entirely by the grace of our Lord and not of works. Works are excluded except as FRUIT of salvation (Acts 3:19, 20; Romans 4: 1-5; 5:1; Ephesians 2:8-10).
Water Baptism: Immersion in water according to scripture (Matthew 3:15, 16 &28:19, 20: Acts 8:38: Romans 6:1-4). A symbol of identification with Jesus Christ in His death, His burial, and His resurrection.
Lord’s supper: done in remembrance of the death, resurrection, and second coming of our Lord Jesus Christ (Luke 22: 13-20)
We believe that believers should seek, as the early disciples did, to practice the separated life from the world and unto Christ and to set standards of conduct which shall exalt our Lord and His Church (Romans 12:1-3: II Corinthians 6:17; Galatians 6:14: Ephesians 5:11: Colossians 3:17).
We believe the scriptures clearly set forth the doctrines of eternal punishment for the lost and eternal bliss and service for the saved- Hell for the unsaved and Heaven for the saved (Matthew 25:34, 41, 46; Luke 16: 19-31: John 14: 11-3; Revelation 20:11-15).
We believe the Holy Spirit to be the third person of the Trinity whose purpose in the redemption of man is to convict men of sin, regenerate the repentant believer, guide the believer into All truth, indwell and give gifts to believers as He wills, that they may minister as Christ would to men. We believe that the manifestations of the Holy Spirit recorded in I Corinthians 12: 8-11 shall operate in present-day churches which yield to the Lord Jesus Christ (Luke 11:13; John 7:37-39, 14: 16, 17 & 16:7-14: Acts 2:39-48). We believe that the Baptism of the Holy Spirit, is speaking with other tongues as the spirit gives utterance, is for all believers as promised by John the Baptist (Matthew 3:11) and Jesus (Acts1: 4,5,8) and Peter (Acts 2: 38-41) This baptism was witnessed by the early disciples of Christ (Acts 2:4: 10:44-47, 19:1-6), and is evidenced by many present-day disciples of the Lord Jesus Christ.
We believe that God used doctors, medicines, and other material means of healing; but divine healing was also provided for in the Atonement (Isaiah 53:5) and may be appropriated by the laying on of hands by elders (James 5: 14-16), by the believers (Mark 16:18), by the prayer of an anointed person gifted for healing the sick (I Corinthians 12:9), or by a direct act of receiving this provision by faith (Mark 11:23).
We believe that each believer is a priest of the Lord (Revelation 1:6) and has direct access to the Father through the Lord Jesus Christ. Each person must believe for himself, be baptized for himself and answer to his Creator for himself.
Word from the Bible
“Keep your eyes on the Lord! You will shine like the sun and never blush with shame.
I was a nobody, but I prayed, and the Lord saved me from all my troubles.”
“And it will come about after this that I will pour out My Spirit on all mankind; and your
sons and daughters will prophesy, your old men will dream dreams, your young men
will see visions.”
Joel 2:28
We trust that you will find what you are looking for at Cathedral of Praise!
Laro ng Buhay Ko Panalo
Sunday, June 11th, 2006 Mula elementary hanggang high-school lagi akong nasa honor roll may awards at maraming papuri mula sa mga guro, kaklase at mga taong nakikilala kami. Makulit akong tao oo! May mga bagay na pinipilit kong mangyari kahit alam kong itoy imposible at napakahirap, may mga bagay din akong madalas itanong na para sa kanila ay napakahirap ng kasagutan, marahil dahil hindi pa napapanahon para sabihin sakin. Marami akong naging mga kaibigan,katropa at kajaming sa maraming bagay.kaya nga lagi akong nakangiti at may naishishare sa ibang tao.
isa sa pinaka challenging sa buhay ko ang lumaban.sa buhay,sa laro,sa pulitika at sa pagharap sa problema.sa elementary nakadalawang school akong pinasukan,sa highschool naka tatlong school akong pinasukan at sa kolehiyo dalawa. Sa lahat ng school na yun mayroon akong katropa naging opisyal sa paaralan at nakasama sa topnotchers sa klase. Ang matindi kong tanong sa buhay “bakit lagi akong talo?”
Mula sa mga laro ko nung kabataan ko hanggang sa paglaban ko sa buhay at pakikipagsapalaran lagi akong nakakaranas ng pagkatalo. Maraming nagsasabi na wag kong pipilitin ang mga bagay na hindi nababagay sa akin lalo na kung ito ay magbubunga lamang ng pagkabigo at pagbabago ng aking pananaw sa laban.
Isa sa pagkatalong itinuturing kong kahiyahiya ay ang pagkatalo ko sa pagiging Sk chairman at Governor ng aming paaralan sa sekondarya. Sabi ko sa sarili ko “nakakahiya!”. Pero napagisip-isip ko na ano nga bang saysay ng isang laban kung walang mananalo at walang natatalo (nagkataon nga lang na ako ang natalo)? narealized ko rin na mas nanalo ang natatalo sa labang iyon dahil natututo syang tumanggap ng pagkabigo sa mga bagay na hindi para sa kanya. Sabi nga ni spiderman “Great powers comes great responsibility!”sabi ko buti na lang hindi ako ang nagkaroon ng responsibilidad,pero nalaman ko sa huli na mali ako, lahat pala tayo ay may kinalaman dito “We have to be responsible!” at ito ang pinakamahalagang papel na dapat gampanan ng bawat isa lalong lalo na ang talunan. Ang kooperasyon!
Nagkaroon ng challenge sakin minsan ng akoy grumaduate sa highschool, nagkaroon ako ng plano na maging responsable sa buhay.hinarap ko ang isang pakikipagsapalaran na gamit aking abilidad at siguro ang talino sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa trabaho.nag-apply ako sa jollibee. Nung una pinangunahan ako ng takot, kaba at mga tanong sa isipan “kaya ko ba?”.at dun ko natutunan na kung ikaw ay may hangaring masubukan at mapatunayan ang iyong kakayahan kailangan mo itong gawin na may tiwala sa sarili! sinubukan ko syempre dala ang pagasa na makakapasok ako sa jollibee.maraming nagapply na umabot sa isanlibo,nabahala ako at nagworry na baka hindi ako makapasa lalo pat sampo lang ang kailangan.dumating ang araw ng initial interview tinanong ako ng mga simpleng tanong base sa sarili ko at hindi ako na nahirapan dun dahil naging totoo ako.sa pagkakataong yun di ako nagyabang at pinilit kong sabihin ang totoo base sa kanilang nakikita.pumasa ako at isandaan lang ang natira.sumapit nanaman ang final interview ng mawalan ako ng tiwala sa sarili ko dahil napagalaman kong hindi ako angkop sa ganoong trabaho dahilan sa underheight ako, wala pa akong dalawang taon sa kolehiyo etc..etc.sa kalagayan kong yun nawalan na ako ng pagasa syempre i felt like im looser nanaman. Pumunta pa rin ako sa final interview at kahit papano umaasa pa rin akong matatanggap ako.sa final interview,ininterview ako ng isang psychologist kung kayat naging maingat ako sa mga sagot ko kahit na wala na akong pagasa sa sarili ko ng mga oras na yun.tinanong ako ng mga bagay tungkol sa buhay ko.nagsabi ako ng totoo at wala akong itinago sa mga tanong nya.ikwenento ko sa kanya mga nangyari sa buhay ko kahit wala sa tanong.ibinaba ko ang sarili ko at pinaalam ko sa kanya na ako ay first timer sa trabahong iyon,na ako ay tumutulong sa nanay ko ng pagtinda ng isda sa madaling araw.marami pa kaming napag-usapan ni sir Ramir Uy, naging isang seryosong usapan yun at hindi naging interview sa palagay ko dahil halos ako lang ang nagsalita at nagkwento.natapos kami ng may ngiti sa mukha na mamasdan na tipong kumbinsido sya.umuwi ako sa bahay ng nanlulumo dahilan sa inisip ko na mali ang mga pinagsasabi ko bagaman may parte sa isip ko na nagsasabing naging tapat lang ako.sa mga pagkakataong iyon hindi ko na inaasahan na makakapasok ako sa jollibee dahil halos wala ako sa mga qualification na hinahanap nila.
kinabukasan, dumaan ako sa jollibee store ngunit di ko tiningnan ang resulta ng final interview sa pagaakalang hindi ko napasahan ang naturang interview.lumipas ang apat na araw isang magandang balita ang di ko inaasahan at di ko mapaniwalaan,maraming bumabati sa akin ng katagang “congrats”,sabi ko ” for what?”.nang umuwi ako sa bahay namin tuwang tuwa ang mga magulang ko at mga kapatid ko dahilan sa ibinalita ng kuya ko na nakapasa daw ako sa jollibee at naging major choice pa ako ng may-ari na naginterview sakin.sabi ko at naisigaw ko “YES I MADE IT!” sabi ko sa sarili ko “sa wakas nanalo din ako!”
kinagabihan,halos hindi ako makatulog sa matinding exitement na nararamdaman ko.marami akong inisip na negatibo at puro pawang bahala na ang tumatakbo sa isip ko lalo na kapag tinatanong ko sa sarili ko kung “kaya ko kaya?”lumipas ang maraming araw nagumpisa akong pumasok sa jollibee,marami akong di inaasahang magaganap at mararanasan ko sa trabahong pinasok ko.aaminin ko unang araw palang marami na akong natutunan sa tulong ni kuya ronald,ang nag train sakin.alm nyo bang labis akong humanga sa mga jollibee people?sa jollibee hindi kalinisan ang pinakaimportante na tulad ng inaasahan ng marami.ang pinakaimportante pala rito ay ang pakikisama mo sa mga kasamahan ng walang halong ibang masamang motibo.oo minsan napapagalitan ako pero alam kong yun ay nararapat lamang para malaman mo ang mga pagkakamali mo.sabi ko sa sarili ko “ito lang pala ang paraan para matuto ako,ang mapagalitan!”
lumipas ang ilang linggo natuto ako nang higit pa sa inaasahan nila.nagpursige ako para maipakita ko sa kanila na karapatdapat ako.sa wakas sa pagkakataong iyon nanalo akong muli naging crew of the month akong nang ilang buwan at naging bee happy awarded din ako dahilan sa lagi daw akong masaya at nakatawa.mga ilang buwan pa ang nakalipas ay nagresign ako dahilan sa naramdaman ko ang aking naging pilay sa paa na kung saan ito ang kinahinatnan ko ngayon ang pagkatalo at hinaharap ang isang parusang nararapat lang sakin.hindi sa jollibe ko nakuha ang pagkapilay kundi sa mga kalokohan ko. (alamin nyo na lang sa ibang entry ko dito sa Blog.)
After 1 year……
Sa ngayon natapos ko nang pagdaanan ang mga sakripisyo bilang isang pilay, panahon nanaman upang mapasaakin ang kaginhawahan, sabi nga nila pakatapos ng hirap ay may kasunod na kaginhawahan. Dumating ang mga oportunidad na hindi ko inaasahan. Naging credit card consultant ako ng isang ahensya ng credit card accredited by Citibank. Dumating din ang oportunidad na kung saan kailangan kong mamili ng walang talunan between Canada or South Korea. Pinili ko ang South Korea ang employer. Naging General manager ako ng isang Korean School at doon ibinuhos ko ang lahat ng magagawa ko upang mapatunayan ko sa sarili ko na kaya ko, Panalo di ba? Pakaraan ng anim na buwan, dumating naman ang oras na kailangan ko ng marealize ang mga bagay-bagay kung kaya’t nagdesisyon din akong magresign….
Sa ngayon nag-aaral ako sa University of Baguio sa Kursong Bachelor of Science in Business Administration major In Business Management. Ewan ko nga lang kung kaya kong matapos depende sa pang financial na aspeto. Sa patuloy na pagsusulat ko sa Blog marami na rin akong natatanggap na karangalan tulad ng pagnominado sakin sa isang prestiheyosong “Philipine Blog awards” bilang “Best Blog-Personal” at “Bloggers Choice Awards”. Nanalo na rin ako minsan sa “Blog Of Day Awards” at pumangalawa sa “Blog Of The Week Awards-Week 137″ at marami pang iba. Syanga pala nakatanggap din ako ng award mula sa GlobAl Peace Federation as ” Youth Ambassador For Peace” last November… Hehe Panalo di ba?
Sa kabuuan, ang katotohanan, nalaman ko na tayo rin ang nagmamaneho sa buhay natin depende nalang kung saan natin nais pumatungo, sa kaliwa o sa kanan, may bako-bako, may kurbada at syempre may mga oras na kailangan mong magpreno para tumigil sa patutunguhan mo na alam mong mali. Pero syempre kailangan nating magpatuloy, kailangan nating umahon patungo sa taas upang tingalain at hangaan pero syampre kailangan wag kataasan dahil mas masakit ng lumagapak galing sa taas patungo sa kasawian. Magpasalamat tayo sa Poong Maykapal sa mga bagay na nararanasan natin at Matuto tayong lumingon sa pinanggalingan at siguraduhin nating tayo makakapunta sa paroroonan. Yan ang laro ng buhay ko! PANALO!
























